Monday, May 11, 2009

Salamat O Aking Ina (Thank you, Mama)

As my simple expression of gratitude to my ever dearest mother, here is my poem for her in time of the Mother's Day celebration.

"Salamat O Aking Ina"
by: Ronian

At ang buhay ay nag-iba,
Nang magsilang ka.
Di mapawi ang ligaya,
Nang una mo akong nakita.
Salamat o aking ina

Pinalaki't inaruga,
Sa guhit ng tadhana.
Upang sa tuwina'y mapabuti,
Sa bukas kong natatangi.
Salamat o aking ina

Hanggang nagkaisip at natuto na,
Wala pa ring pawi ang iyong suporta.
Dugo at iyong pawis,
Na sa akin ay ibinuwis.
Salamat o aking ina

Di ko man madalas masabi,
Ang katagang mahal kita.
Sa aking puso't isipan,
Nakaukit kailan man.
Salamat o aking ina

Saan man naroroon,
Alam kong masaya ka doon.
Anuman ako bukas at ngayon,
Ay dahil sa iyong kahapon.
Salamat o aking ina



PS: copyright protected

No comments: